1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

       1. Paano magpagupit sa Tsina?

        2014-01-08 10:12:58

        Para sa maraming Pinoy na nasa Tsina (isa na ako roon), isa sa mga pinakamahirap gawin ay ang pagpapagupit. Dahil sa pagkakaiba ng wika at mga terminolohiyang ginagamit, medyo mag-aalangan ka sa iyong unang pagbisita sa barberya.

        Paano magpagupit sa Tsina?

        Sa sandaling ikaw ay maupo sa silya ng barbero, magdadalawang-isip ka kung tama ba ang sinabi mong gupit, naintindihan ba ng barbero ang gusto mong sabihin, magiging katawa-tawa ba ang iyong gupit, o magmumukha kang artista pagkatapos kang gupitan?

        Paano magpagupit sa Tsina?

        Bukod sa mga salitang  chang (长, mahaba) at duan (短, maikli), narito ang iba pang salitang inyong magagamit para mas maging kaaya-aya ang pagbisita ninyo sa barberya.

        Uri ng gupit

        Gusto kong magpagupit: 我想理/wō xiǎng lǐfà.

        Bawasan mo lang ng kaunti: 我想简单修剪一下/wō xiǎng jiǎndān xiūjiǎn yíxià.

        Lagyan mo ng layer: 请剪出层次感/Qǐng jiǎn chū céngcì gǎn.

        Gupit semikalbo:   剪平头/Jiǎn píngtóu.

        Nipisan mo lang: 请把我的头发打薄/Qǐng bǎ wō de tóufà dǎbáo.

        Kaunting bawas lang at hayaan mong humaba: 稍微修剪一下,不要剪太短/      Shāowēi xiūjiǎn yíxià, búyào jiǎn tài duǎn.

        Huwag mong putulin ang patilya: 请留着鬓角胡子/Qǐng liú zhe bìnjiǎo húzì.

        Gupit Mohawk: 请剪一个马希坎式发型/Qǐng jiǎn yígè m?xīk?n shì fàxíng.

        Estilo

        Gusto kong magpakulot: 我想做卷发/Wō xiǎng zuò juǎnfà.

        Gusto kong magpa-blow dry ng buhok: 请用吹风机吹干我的头发/Qǐng yòng chuīfēngjī chuī gān wǒ de tóufà.

        Gusto kong magpakulay ng buhok: 请给我染发/Qǐng gěi wǒ rǎnfà.

        Lagyan mo ng highlight ang buhok ko: 请给我部分染发/Qǐing gěi wǒ bùfèn rǎnfà.

        Produkto sa buhok

        Syampu: 洗发水 x?fàshu?

        Kondisyoner:  护发素 hùfàsù

        Mousse: 定型摩丝 dìngxíng mósī

        Gel: 啫哩 zhělí

        Balita:
        Tsina ASEAN Daigdig Litrato
        Ugnayang Pinoy:
        Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
        Tsina sa Aming Mata:
        Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
        Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
        Pag-aaral ng Wikang Tsino:
        Pag-aaral ng Wikang Tsino
        湖北十一选五最大遗漏
        1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

              1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                   1. 重庆福彩幸运农场网上 极速飞艇走势技巧规律 北京十一选五前三组遗漏查询 977彩票app 吉林时时网站 北京赛pk10代理官网 黑龙江36选7奖结果查询 甘肃新11选5开奖 银川选号技巧 双龙娱乐彩票