1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

              1. Mga bagong regulasyon ng Tsina sa Bisa

                2014-01-02 15:48:04 CRI

                Mga bagong regulasyon ng Tsina sa Bisa

                Marahil ay narinig na ninyo ang bagong regulasyon ng Tsina tungkol sa pagkuha ng bisa na inilabas noong unang araw ng Hulyo, 2013. Ito ay naglalayong sawatain ang iligal na pananatili at iligal na pagtatrabaho ng mga dayuhan sa bansa. Kabilang sa mga pinakamalaking pagbabago ay ang pagdaragdag ng apat na bagong uri ng bisa; at ilan sa mga ito ay ang "foreign professional" o "R" visa, na maaring gamitin sa loob ng limang taon at "M" visa na siyang papalit sa "F" business visa.

                Dagdag pa riyan, ipapatupad ng pamahalaang Tsino ang mas mahigpit na regulasyon sa pagkuha ng bisa, mas mataas na multa kapag nilabag ang regulasyon, at mas mahigpit na alituntunin sa pagkuha ng pahintulot sa pananatili sa Tsina (residence permit).

                Mga bagong uri ng ordinaryong bisa

                Ang mga bisa ng Tsina ay nahahati sa apat na kategorya; diplomatic visa, courtesy visa, service visa, at ordinary visa. Sa ilalim ng bagong "Entry and Exit law" ng Tsina, ang bilang ng mga bagong uri ng ordinary visa ay itataas mula walo (8) hanggang labindalawa (12). Narito ang mga karagdagang uri ng ordinary visa:

                • M Visa- Issued for business/commercial visits
                • R Visa- Issued for highly skilled foreign professional stays and visits
                • Q Visa- Issued for family reunions and foreigners visiting Chinese citizen (Q1) & permanent residents (Q2)
                • S Visa- Issued for private visits such as divorce, inheritance, adoption, marriage, or medical services

                Mga pagbabago sa kasalukuyang uri ng bisa

                • Z Visa- Issued for employment or work purposes. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay hahatiin sa Z1 (lampas sa 90 araw) at Z2 (hindi lalampas sa 90 araw)
                • X Visa- Issued to student or for internship purposes, valid for six months. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay hahatiin sa X1 (pangmatagalan) at X2 (panandalian)
                • F Visa- Formely issued for business purposes. Sa ilalim ng bagong sistema, ito ay para na lamang sa di-komersyal na dahilan

                Ang "M" ay ang bagong "F"

                ? Ang "M visa" ang siya na ngayong bagong business visa. Ito ay ibibigay sa mga dayuhang nais pumunta ng Tsina upang magnegosyo o para sa kadahilanang komersyal.

                ? Ang "F visa" naman ay siya na ngayong non-business visa, at ibibigay sa mga dayuhang nais pumunta sa Tsina sa kadahilanang di-komersyal (scientific, edukasyonal, kultural, kalusugan o palakasan).

                Paghikayat ng bagong talento

                Sa ilalim ng bagong sistema, ang "R visa" ay gagamitin bilang panghikayat ng mga talentong mula sa ibang bansa. Ito ay ibibigay sa mga "high-ranked at in-demand" na talentong propesyunal. Ang "R1" ay pangmatagalan, at maaring gamitin sa loob ng limang taon: kasama na rin nito ang residence permit. Ang "R2 visa" naman ay ibibigay sa mga "highly skilled specialists" na mananatili ng hindi lalampas sa 180 araw sa bansa.

                FAQ's

                Ano ang pinakamalaking pagbabago sa bagong sistema?

                ? Ang Parusa. Mas mataas ang parusang iyong kakaharapin kung sasawayin mo ang bagong sistema sa bisa. Halimbawa, kapag nakalimutan mong kumuha ng pansamantalang "residence permit," at magrehistro sa pulis, sa loob ng beinte kuwatro oras (24) pagdating mo sa Tsina, maari kang patawan ng pinakamataas na multa na 2000RMB. Sa nakaraang sistema, ang pinakamataas na multa ay 500RMB lamang.

                Balita:
                Tsina ASEAN Daigdig Litrato
                Ugnayang Pinoy:
                Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
                Tsina sa Aming Mata:
                Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
                Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
                Pag-aaral ng Wikang Tsino:
                Pag-aaral ng Wikang Tsino
                湖北十一选五最大遗漏
                1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                            1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                                      1. 千禧3d试机号金码关注码 黑龙江福利彩票36选7走势图 玖玖棋牌下载安装 三分彩是什么 极速时时75秒官方 广东11选5开奖分布图 时时彩高手一期计划 北京赛车pk10开奖提示 黑龙江福彩36选7走势图大星 北京赛pk10官网开奖