1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

              1. Soundtrick Band: Pioneers ng “Nightlife” sa Beilun, Ningbo City

                2015-03-31 16:28:25 CRI

                Soundtrick Band: Pioneers ng “Nightlife” sa Beilun, Ningbo City


                Ang Beilun District ay isang oras ang layo mula Ningbo City na makikita sa Zhejiang Province. Industrial zone at  lipana ang mga  factories sa Beilun. Mabilis ang progreso sa lugar at patuloy ang pag-unlad nito. Pero pagdating sa nightlife medyo huli ang Beilun. Limang taon ang nakaraan isang music lounge ang nagbukas para ialok ang live entertainment. Sa Maibach Lounge, itinampok ang Soundtrick Band, grupo ng mga Pilipino na binubuo nina  Rodolfo  “Bong” Villanueva, Maria Janette Frasco at Marvin Vega. 

                Limang taon silang tumugtog sa Ningbo, at sa kasalukuyan limang taon na rin sila sa Beilun. Ani Bong Villanueva, keyboardist ng grupo na sinubukan nilang tumugtog sa Guangzhou pero di nila nagustuhan ang palakad at tinanggap ang mas magandang alok sa Ningbo.

                Ang Tsina ay unang destinasyon ng gitaristang  si Marvin Vega, at sa umpisa nahirapan siya dahil sa lengwahe. Matapos ang sampung taon ng paninirahan sa Tsina, nakapagsasalita na siya at mas madaling natututo ng mga Chinese songs 

                Ani Janette Frasco, vocalist ng Soundtrick Band na sila rin ang unang banda na nagpakilala sa mga latin songs. Dahil naniniwala ang grupo na parte ng kanilang trabaho ang paghahain ng ibang repertoire sa kanilang mga  kliyente. Dagdag ni Bong Villanueva kailangan din nilang  ibahagi ang mga usong kanta sa ibang panig ng mundo para mas lumawig ang  musical preference ng  mga Tsino.  Kaya ayon sa beteranong musikero na nakarating na rin sa bansang Espanya, puhunan ng mga banda ang pag-eensayo, dahil dito nakasalalay ang galing nila pagsampa sa entablado.

                Di man matatas magsalita ng Mandarin, kwento ni Janette Frasco  malaking bagay ang pagiging mapagkaibigan, ang paglapit at tamang pag-estima sa mga bisita ng Maibach at pagsiguro na sila ay nag-eenjoy. Bawal ang “mga singers na masyadong matangos ang ilong.” paalala ni Janette 

                Matapos mapatunayan ang drawing power ng Soundtrick Band sa Maibach, panibagong pagsubok ang inihain sa kanila ng kanilang among Aleman. Bukod sa pagkanta, si Janette na rin ang naatasang maging manager ng music lounge. Sa trabahong ito, tila “tatlo ang ulo niya.”  Aminado mang di niya kabisado ang “pagbalanse ng numbers”  nagagamit naman niya ang karanasan mula sa maraming taon ng pagtatrabaho sa mga bars.

                Sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ng Soundtrick Band ang ilang mga payo para tumagal sa trabahong ito. Sa inyong computer, i-klik ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape at Tsaa.  Para makuha ang updates ng iba pang mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.


                Balita:
                Tsina ASEAN Daigdig Litrato
                Ugnayang Pinoy:
                Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
                Tsina sa Aming Mata:
                Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
                Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
                Pag-aaral ng Wikang Tsino:
                Pag-aaral ng Wikang Tsino
                湖北十一选五最大遗漏
                1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                            1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                                      1. 拜仁vs弗赖堡下半场 法国波帕尼姆之丘 河南快赢481走势图最近30期 弗罗西诺内对尤文竞彩 全民飞机大战安妮 炫舞最新梦工厂门票 宙斯古代财富客服 重庆快乐十分走势图电视竖屏版 豪华的开心假期免费试玩 主机游戏是指什么意思