1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

              1. Chun Jie Kuai Le Ikalawang Bahagi

                2019-01-31 18:25:33

                 

                 

                 


                “Chunjie kuaile,”

                “maligayang bagong taon ng baboy sa inyong lahat.”

                Sa Tsina, ang selebrasyon para sa Spring Festival o Chunjie ay tumatagal ng dalawang lingo, dahil ito ang pinakamahalagang selebrasyon para sa Nasyong Tsino.

                Sa panahong ito, maraming masasarap na pagkain ang inihahanda at karamihan sa mga ito ay ang mga “pagkaing pampabuwenas.”



                 “Chunjie kuaile,” “maligayang bagong taon ng baboy sa inyong lahat.”

                Sa Tsina, ang selebrasyon para sa Spring Festival o Chunjie ay tumatagal ng dalawang lingo, dahil ito ang pinakamahalagang selebrasyon para sa Nasyong Tsino.

                Sa panahong ito, maraming masasarap na pagkain ang inihahanda at karamihan sa mga ito ay ang mga “pagkaing pampabuwenas.”

                Ang pagkain ay mahalaga hindi lamang sa New Year's Eve, kundi maging sa mga sumusunod na araw ng kapistahang ito.

                Sa panahon ng Chunjie bumibisita ang mga Tsino sa kanilang mga kamag-anakan, samantalang ang punong-abala o host ay naghahandog naman ng mga masarap na pagkain para sa mga bisita.

                Ang mga inihahain sa panahong ito ay ang mga tinatawag na “pagkaing pampabuwenas.”

                Ang “pagkaing pampabuwenas” ay tumutukoy sa mga pagkain na nagpapakita ng mabuting hangarin ng mga tao para sa bagong taon.


                Chun Jie Kuai Le Ikalawang Bahagi

                 Jiao Zi



                Ang unang-unang pagkaing pampabuwenas o pagkaing pinaniniwalaang makakapaghatid ng suwerte ay isda.

                Sa wikang Tsino ang bigkas sa isda ay “Yu” at pareho ito sa bigkas ng “Kasaganaan.”

                Sa karaniwan, ang espesyal na putaheng isda ay hindi kinakain hangga't hindi sumapit ang alas dose ng gabi ng unang araw ng taon.

                Ito ang tinatawag ng mga Tsino na “may kasaganaan bawat taon.”

                Parang play of words, di ba? Dahil dito, ang putahe ng isda ay naging sagisag ng mabuting hangarin para sa bagong taon.


                Mayroon pang isang halimbawa na gumagamit ng play of words.

                Sa panahon ng Chunjie, popular ang isang pagkain sa dakong timog ng Tsina na tinatawag na “New Year's Cake” o  “Nian Gao.”

                Ang keyk na ito ay iba sa birthday cake.

                Gawa ito sa glutinous rice at hugis laryo.

                Para kainin, kailangan itong hiwa-hiwaiin sa manipis na piraso at puwedeng pasingawan o igisa kasama ng karne at kulay.


                Chun Jie Kuai Le Ikalawang Bahagi

                  Seafood Reunion


                Ngayon, dumako naman tayo sa ikalawang uri ng mga pagkain sa Spring Festival, at ang mga ito ay may kinalaman sa hugis o kulay.

                Ang pinakakilalang halimbawa ng uring ito ay Chinese dumpling o Jiaozi.

                Ang Chinese dumpling ay isang masarap na pagkain at madali itong gawin at lutuin.

                Ito ay pagkaing hindi dapat mawala sa panahon ng Chinese New Year.

                Ang hugis ng Chinese Dumpling ay kahawig ng ingot na ginamit na salapi noong sinaunang panahon.

                Ang pagkain nito sa Chunjie ay nagpapahayag ng hangaring “maging masagana sa bagong taon.”

                Ito ang dahilan kaya ang Chinese Dumpling ay hindi dapat mawala tuwing Chunjie.

                Chun Jie Kuai Le Ikalawang Bahagi

                Balita:
                Tsina ASEAN Daigdig Litrato
                Ugnayang Pinoy:
                Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
                Tsina sa Aming Mata:
                Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
                Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
                Pag-aaral ng Wikang Tsino:
                Pag-aaral ng Wikang Tsino
                湖北十一选五最大遗漏
                1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                            1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                                      1. 秒速时时彩软件下载 在线棋牌唯一官方网 3d选号图 mg电子游戏漏洞最多的 北京pk赛车历史开结果 四川时时走势图开奖 湖北新十一选五开奖果 江西新时时组三全选 浙江十二选五和值走势图一定牛 极速时时有几个平台