1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

              1. Direct flight mula Beijing patungong Cebu, bukas na

                2017-11-01 17:51:42

                Mga kaibigan, kamakailan ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon na dumalo sa launching event ng kauna-unahang direct flight mula Beijing to Cebu doon sa Sheraton Grand Beijing Dongcheng Hotel.

                Doon ay nakapanayam po natin si Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism - (DoT) Beijing Office.

                Sa ating one-on-one interview, sinabi niyang  “magsisimula na sa Nobyembre 26, 2017 ang bagong direktang rutang panghimpapawid mula sa Beijing patungong Cebu.”

                Sinabi pa niyang ito ay isang chartered flight, sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL), at mayroong isang lipad kada linggo.

                Magandang balita po ito mga kababayan, at inaasahang makapagdudulot din ito ng mas komportable at maayos na serbisyo para sa mga turistang Tsino, dahil iyong mga gustong direktang pumunta sa mga beach at iba pang tourist attractions ng Cebu - Bohol at iba pang kalapit na lugar ay hindi na kailangan pang dumaan ng Manila.

                “Ito rin ay inaasahang makakapagpataas ng bolyum ng mga turistang Tsino na magtutungo sa Pilipinas,” dagdag ni Renos.

                Doon sa mga kababayan natin at mga kaibigang Tsino na gustong mag-avail ng serbisyong ito, makipag-ugnayan lamang sa mga travel agency sa Tsina at sila na ang bahalang mag-book ng flight at hotel.

                Sinabi naman kay Ginoong Zhao Xin ng Beijing Haozhou Aviation Service, idudulot ng bagong rutang panghimpapawid ang pag-unlad sa ugnayang panturismo ng Tsina at Pilipinas at magpapalakas ng people-to-people exchanges sa pagitan ng mga Tsino't Pilipino.

                Matatandaang sinabi kamakailan ng DoT-Beijing Office, na ang target nito para sa 2017 ay isang milyong turistang Tsino.

                Hinggil dito, sinabi ni Renos na ayon sa pinakahuling datos ng DoT noong Agosto ng taong ito, mayroon nang 641,412 na turistang Tsino ang nagpunta sa Pilipinas.

                Ito aniya ay mas malaki ng mahigit 32% kumpara sa parehong bilang noong nakaraang taon.

                Sinabi pa niyang sa tulong ng pamahalaang Tsino at mga partner na travel agency sa Tsina, optimistiko ang DoT na maaabot ang target para sa 2017.

                Ang nasabing rutang panghimpapawid ay magakaksamang itinaguyod ng DoT - Beijing Office, Beijing Haozhou Aviation Service, at Philippine Airlines.

                Zhu Li, Sales Representative ng Philippine Airlines sa Beijing

                Zhu Li, Sales Representative ng Philippine Airlines sa Beijing

                Zhao Xin, General Manager ng Beijing Haozhou Aviztion Service

                Zhao Xin, General Manager ng Beijing Haozhou Aviztion Service

                Mga dumalo

                Mga dumalo

                Mga dumalo habang nakikinig sa talumpati

                Mga dumalo habang nakikinig sa talumpati

                Elizabeth Te, Minister and Consul ng Philippine Embassy sa Beijing

                Elizabeth Te, Minister and Consul ng Philippine Embassy sa Beijing

                Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism – (DoT) Beijing Office

                Genesis Raenani G. Renos, Tourism Officer ng Department of Tourism – (DoT) Beijing Office

                Launching ng Beijing-Cebu, Beijing-Boracay Route

                Launching ng Beijing-Cebu, Beijing-Boracay Route

                Isa sa mga aktibidad sa launching event

                Isa sa mga aktibidad sa launching event

                Balita:
                Tsina ASEAN Daigdig Litrato
                Ugnayang Pinoy:
                Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
                Tsina sa Aming Mata:
                Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
                Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
                Pag-aaral ng Wikang Tsino:
                Pag-aaral ng Wikang Tsino
                湖北十一选五最大遗漏
                1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                            1. <tt id="7ng23"><pre id="7ng23"></pre></tt>

                                      1. 黑龙江时时综合走势 极速时时彩三期计划 bbin体育网址 江苏时时结果走势图 福彩双色球开奖对比 彩神pk10计划软件 金龙棋牌官网登录 广东时时预测器 2019六开彩开奖历史记录 六开彩开奖今天